TIWALI | Isang empleyado ng JAGO, arestado sa pangongotong

Manila, Philippines – Arestado ang isang empleyado ng Judge Advocate General Office (JAGO) matapos nitong kotongan ang mga retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang judge advocate general ang siyang umaasikaso sa legal na usapin sa AFP kung saan nakilala ang nadakip na suspek na si Luzviminda Valenzuela, isang senior aministrative assistant.

Ayon sa district special operation unit ng QCPD, lumapit sa kanila ang biktima para isumbong ang modus o pangongotong ng suspek.


Sa entrapment operation humingi ng P250,000 ang suspek at nakipagkita sa isang restaurant sa isang mall sa Cubao, Quezon City.

Nang maiabot na ang boodle money, ay agad inaresto si Valenzuela.

Hinimok naman ng mga otoridad ang iba pang naging biktima na magpunta sa kanilang opisina para maidagdag sa patong-patong na kaso laban sa suspek.

Facebook Comments