Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na posibleng kailangan nang pasukan ng spiritual element o activity ang ilang mga taga Bureau of Customs sa harap narin ng matangal nang problema nito sa katiwalian.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, sa kanilang nakikita ay sa tao lang talaga ang problema at hindi ang umiiral na sistema sa BOC.
Sinabi ni Panelo na hindi na mababago ang umiiral na sistema kaya kailangan nang magkaroon ng internal transformation ang mga tauhan ng naturang ahensiya.
Paliwanag ni Panelo, kung internally transformed ang isang indibidwal ay sarili na nito ang magsisilbing kalaban at tatamaan ng hiya kaya hindi na gagawa ng masama.
Matatandaan na batay sa inilabas na impormasyon ng Presidential Anti-corruption commission o PACC ay lumalabas na pumapangatlo ang BOC sa pinaka tiwaling ahensiya kung saan pumapangalawa ang Bureau of Internal Revenue at una naman ang Department of Public Works and Highways o DPWH.