TIWALI | Pangulong Duterte, may bagong batch ng mga opisyal na sisibakin

Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na may panibagong batch ng mga opisyal ang kaniyang sisibakin.

Sa kanyang talumpati sa Talisay City, Negros Occidental, muling sinabi ng Pangulo na may mga sisibakin siyang opisyal dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa katiwalian.

Bagaman walang binanggit na pangalan, isa aniya sa mga ito ay mataas na opisyal.


Kasabay nito, muling nagbabala si Duterte sa mga gumagamit ng kanyang pangalan para sa kanilang sariling interes.

Aniya, huwag tanggapin ang anumang proyekto gamit ang pangalan ng kanyang mga kamag-anak.

Una nang nadawit ang nakababatang kapatid ng Pangulo na si Emmanuel Duterte sa kontrobersiya dahil sa umano ay ipinaap-aprubahang proyekto sa gobyerno na cryptocurrency exchange platform.

Facebook Comments