Sharon Cuneta, nanawagan sa publiko na patawarin si Senator Sotto

52

Manila, Philippines – Nanawagan ngayon si Sharon Cuneta na patawarin na si Senator Tito Totto.

Ito’y matapos ang negatibong komento ng senador sa mga single mothers na umani ng batikos.

Bilang isang pamangkin ng senador sinabi ng tinaguriang megastar dapat matutuo ang bawat isa na magpatawad.

Inialay din niya ang sinsiridad at ang pagpapatawad sa mga nasaktan sa komento ng tinagurian din niyang ama sa showbiz.

Matatandaan na hindi nagustuhan ng ilang netizens ang negatibong pahayag ni Sotto noong isinasagawa ang pagdinig sa appointment ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo.

 

Facebook Comments