TNT Tropang Giga at Rain or Shine, panalo sa kani-kanilang laro sa PBA Philippine Cup

31

Hindi pinaporma ng TNT Tropang Giga ang San Miguel Beermen sa kanilang laban sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup Clark bubble.

Tinalo ng Tropang Giga ang Beermen sa score na 107-88 kung saan nanguna sa panalo si JP Erram na may 27 points at 15 rebounds.

Dahil sa panalo, nangunguna ngayon sa team standings ang TNT na may tatlong panalo at wala pang talo.

Samantala, nanalo naman ang Rain or Shine Elasto Painters laban sa Terrafirma Dyip sa score na 91-82.

Pinangunahan ni Rey Nambatac ang panalo ng Elasto Painters na nakakuha ng 18-points kung saan ang Rain or Shine ang ikatlong na team na may dalawang panalo at walang talo.

Facebook Comments