Pumuntos sa serye ng first game ng PBA semi-finals ang TNT KaTropa kontra Barangay Ginebra kagabi.
Nakuha ng TNT KaTropa ang unang panalo matapos umiskor ng 95-92 sa semi-finals na ginanap sa Araneta Coliseum sa Cubao.
Nakaambag sa koponan si TNT import Terrence Jones matapos makapagtala ng 24 points na may 12 rebounds habang 24 points at 10 rebounds naman si Troy Rosario.
Ayon kay TNT coach Bong Ravena, naging matagumpay ang kanilang ginawang strategy para depensahana ang Barangay Ginebra.
Samantala, abangan naman mamayang alas-2:00 ng hapon ang ika-anim na araw ng nagpapatuloy na elimination round ng DZXL Radyo Trabaho Basketball Tournament 2019.
Gaganapin ang laro sa Guadalupe Nuevo Gym sa Makati City kung saan maghaharap sa first game ang DWWW/iFM vs. RMN Head Office na susundan naman ng Lunas Kalusugan at Gentle Hands Holistic sa second game.