TNVS | Hatchback o compact cars, pinayagan nang pumasada

Manila, Philippines – Pwede nang pumasada bilang mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) unit ang mga hatchback o compact cars.

Pero ayon sa LTFRB – magkakaroon ng sariling kategorya ang mga hatchback at papayagan lang silang pumasada sa loob ng Metro Manila.

Dapat din na mas mababa ang pamasahe sa mga hatchback.


Nito lang nakaraang buwan nang ipagbawal ng LTFRB ang pagpasada ng mga hatchback para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Hindi kasi ito pasok sa technical requirement na 2000-cc rated.

Samantala, mula sa dating 45,000 itinaas na rin ng LTFRB sa 65,000 ang “base cap” o bilang ng mga TNVS na puwedeng pumasada.

Facebook Comments