Tobacco Farmers, Pinatikman ng Excise Tax Mula sa Tabako!

Cauayan City, Isabela- Abala ngayon ang City Agriculture Office sa pagbuo ng asosasyon ng mga magsasaka ng Tabako dito sa lungsod ng Cauayan.

Sa ginawang panayam ng RMN Cauayan kay ginang Dolce Dela Cruz, ang Agriculture technologist ng City AgricuIture Office, aniya umaabot lamang sa tatlumpong ektarya ang taniman ng tabako dito sa lungsod ng Cauayan subalit dahil sa natanggap ng pamahalaang lungsod na Excise Tax mula sa tabako ay magkakaloob ito ngayong araw ng libreng Abono para sa mga Tobacco farmers.

Ayon pa kay ginang Dela Cruz, nagbigay na rin umano ng Financial Assistance ang pamahalaang lungsod nitong nakaraang buwan ng halagang animnapu’t limang libong piso sa kada magsasaka ng tabako.


Ilan umano sa mga barangay na nabigyan ng financial Assistance at may taniman ng tabako ay ang barangay Andarayan, Alicaocao, Nagkampegan, Unyun, San Luis, Bugallon, Villa Luna, Casapuera at San Pablo.

Samantala, nitong Abril a bente ay nabigyan ng Pagkilala at Kagalingan sa Malacaṅang ang isang magsasaka mula rito sa lungsod ng Cauayan na si dating Barangay Kapitan Felix Ancheta ng Barangay Buena Suerte dahil sa mahusay nitong pagtatanim ng Mais kung saan nasa dalawang daan at limampung libong pisong financial Assistance ang ipinagkaloob ng Malacaṅang.

Facebook Comments