TODA MEMBERS AT TRICYCLE FRANCHISE HOLDERS SA CAUAYAN CITY, TATANGGAP NG BIGAS

Cauayan City – Nakatakdang tumanggap ng bigas ngayong ikalawang araw ng Oktubre ang mga TODA members at Tricycle Franchise Holders mula sa lungsod ng Cauayan.

Sa inilabas na anunsyo ng Cauayan City – Public Employment and Services Office, magaganap ang pamamahagi ng bigas sa Community Center ng Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Ang programang ito ay sa ilalim ng IRISE-3 Program ng Provincial Government of Isabela kung saan ang matatanggap ng mga benepisyaryo ay para sa buwan ng Setyembre at Oktubre.


Samantala, upang makuha ang ayudang bigas kinakailangan lamang magdala ng kopya ng kanilang 2024 Operator’s ID o TODA ID.

Facebook Comments