Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang ikatlong Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) Summit sa Pasay City.
Ang summit ay huling ginanap noong 2008 na layong pagbutihin ang regulasyon sa operasyon ng mga tricycle at itaas ang livelihood sustainability ng mga tsuper at opereytor nito.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), gaganapin ito sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Tatalakayin sa summit ang iba’t-ibang problema at isyu patungkol sa nasabing sektor, kabilang ang operasyon ng mga kolorum, traffic accidents, maayos na access sa affordable housing at financial programs, healthcare at social security, training programs, scholarships para sa mga dependent, access sa iba pang livelihood.
Magkakaroon din ng one-stop shop para sa mga dadalo kung saan magtatayo ng mga kiosk ang DOTr, DILG, DTI, DOLE, DSWD, DENR, CHED, TESDA, PhilHealth, SSS, Pag-IBIG fund, PAGCOR, MMDA, Office of Transport Cooperatives (OTC) at Cooperative Development Authority (CDA).
Kasama si Energy Secretary Alfonso Cusi, pangungunahan din ng Pangulo ang turn-over ng mga electric o e-tricycles.