Carlo Aquino, itinangging isinekreto niya ang pagkakaroon ng baby

63

Nilinaw ni Carlo Aquino na hindi nila itinago ng kaniyang partner na si Trina Candaza ang kanilang baby sa publiko.

Say ni Carlo, walang dahilan para itago niya ito dahil itinuturing niyang blessing at angel ang kaniyang anak.

Dagdag pa ng aktor, hindi porket hindi siya nag-post agad matapos maipanganak ang baby ay ibig sabihin ay isinisikreto na niya ito.

Matatandaan na ginulat ni Carlo ang mga netizens matapos nitong i-post noong nakaraang linggo na isa na siyang ama.

Facebook Comments