Tokhang Responder at Helper, Timbog sa Pagbebenta ng Shabu

108

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang graduate ng kursong criminology sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Bone North, Aritao, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Sherwin Estelong alyas ‘XIAO’, 40-anyos, may-asawa at residente sa nasabing bayan.

Itinituring na high value target (HVT) ang suspek makaraang maaktuhang nagbebenta ng isang (1) pakete ng shabu na tumitimbang ng 1 gramo sa isang PDEA agent na umaktong poseur buyer.

Nabatid na tokhang responder ang suspek matapos sumailalim sa Community-Based Rehabilitation and Wellness Program (CBRWP).

Narekober sa suspek ang isang pakete ng shabu, sling bag at tatlo (3) pang pakete ng shabu mula sa kanyang pag-iingat

Samantala, dinakip rin ang isang helper dahil sap ag-iingat ng higit kumulang 1 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800.

Kinilala ang suspek na si Benjamin Paguirigan, 43-anyos at residente ng Barangay Bagay, Tuguegarao City.




Kapwa mahaharap kasong paglabag sa RA 9165 o Selling of illegal drugs ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments