WHO, naglaan ng 120-M antigen rapid tests para sa mga mahihirap na bansa

59

Magiging available na sa susunod na anim na buwan ang 120 million rapid diagnostic tests para sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, sa loob lang ng 15 minuto ay malalaman agad sa antigen rapid tests kung negatibo o positibo ba sa COVID-19 ang isang tao.

Aniya, pwede itong mabili ng mga low at middle income countries sa halagang $5 (P250.00) kada unit.

Umaasa naman ang WHO na makakatulong ang antigen rapid test para mas mabilis na ma-contain ang pagkalat ng COVID-19 sa mga bansa.

Facebook Comments