Tokhang Responder at Kasamahan, Timbog sa Iligal na Droga

15

Cauayan City, Isabela- Nasamsam sa dalawang (2) katao ang iligal na droga habang nagsasagawa ng checkpoint ang pulisya sa Gamu, Isabela.

Kinilala ang suspek na sina Rommel Talosig, 39-anyos, may-asawa at Norberto Mariano Jr., 30-anyos, may-asawa na kapwa residente ng Brgy. Buenavista, Gamu, Isabela.


Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyan ang pagsasagawa ng checkpoint ng parahin nila ang mga suspek ngunit pumukaw sa pansin ng mga awtoridad ang isang pouch na sinasabing naglalaman ng iligal na droga.

Itinanggi naman ng mga suspek na sa kanila ang nakuhang iligal na droga at iginiit ng mga ito na planted ang ebidensya laban sa kanila.

Narekober sa mga suspek ang limang (5) pakete ng hinihinalang shabu, lighter at pouch.

Nabatid na dating Tokhang Responder si Talosig.




Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001 ang mga suspek na nasa kustodiya Gamu Police Station.

Facebook Comments