Cabatuan, Isabela – Nagsagawa ng makabuluhang aktibidad ang pamunuan ng Cabatuan Acting Police Station sa pamumuno ni Police Senior Inspector Prospero A. Agonoy sa mga tokhang responders nitong nakalipas na sabado at linggo, March 24-25, 2018.
Unang isinagawa ang isang pagpupulong, March 24,2018 sa oras na alas otso ng umaga sa mga responder sa mismong tanggapan ng PNP Cabatuan kaugnay sa Wellness Program na kinabibilangan ng Spiritwal Enhancement, Tree Planting, Community Service/Clean Up Drive, Physical Fitness/Zumba.
Nag-umpisa ang Spiritual Enhancement sa oras na alas otso y medya ng umaga, March 24, sa pamamagitan ni Pastora Heleria P. Valencia ng Jesus Christ Foundation of Life Internal Ministry at sa oras na alas tres ng hapon, isang Community Service/Clean up Drive ang isingawa sa koordinasyon ni Barangay Captain Hon. Wilfredo Britanico kasama ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) members sa Barangay Saranay, Cabatuan, Isabela.
Humataw nman sa umaga ang mga tokhang responders sa oras na alas dyes ng umaga, March 25 sa pamamagitan ng Zumba Dance kasama ang mga BADAC members at Tree Planting naman sa barangay ng Saranay ang pinagkaabalahan sa oras na alas onse ng umaga.
Samantala sa oras na alas dos ng hapon ay dumalo ang kapulisan ng Cabatuan sa pangunguna ni SPO4 Edwin Hernandez sa Barangay Aseembly ng Saranay kung saan ibinahagi ang mga usapin ng illegal drugs, illegal gambling at iba pang municipal ordinance para sa public awarenes ng taong bayan.