Ten wheeler truck lulan ang maraming saging sinunog ng mga armado sa bayan ng Makilala North Cotabato

41

Isang 10 wheeler truck na may lulang saging ang sinunog ng mga armado pasado alas 8:30 kagabi sa Lower Saguing Purok Mansanitas, Brgy Saguing, sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato. Ang truck ay pag aari ng isang Kagawad ng Brgy Mahongkog Magpet na si Analiza Jalapon-Arquillano na isang negosyante ng saging sa North Cotabato.
Sa report dakong alas otso y medya kagabi ng sunugin ng hindi pa matukoy na bilang ng mga rebeldeng New Peoples Army o NPA na pinaniniwalaang kasapi ng Guerilla Front Committee 53 ng Southern Mindanao Regional Command ang nasabing truck.
Mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa tuluyang masunog ang truck habang sunog ang ilang crates ng saging.
Hindi naman inabutan ng mga otoridad ang rmga suspect na tumakas sakay umano ng motorsiklo.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments