Tokhang Responders sa Mallig Isabela, Patuloy na Sinusubaybayan ng Kapulisan!

Mallig, Isabela – Patuloy na sinusubaybayan ng mga otoridad ang mga tokhang responders ng Mallig upang masigurado umano na hindi na muling bumalik sa paggamit o pagtulak ng ipinagbabawal na gamot.

Ito ang sinabi ni Police Senior Inspector Loreto Infante sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan.

Aniya, may kabuuang 196 na tokhang responders ang bayan ng Mallig kung saan ay mayroong 125 na nakapagtapos na ng kanilang Community Base and Rehabilitation Program o CBRP.


Inaasahan din aniya na magtatapos ng CBRP sa darating na buwan ng disyembre ang mga natitirang tokhang reponders.

Samantala, wala pa umanong barangay sa bayan ng Mallig ang naideklarang drug free at drug cleared ngunit nakapagsumite na ng kaukulang dokumento ang PNP Mallig sa PDEA at pinag-aaralan na umano para sa drug declaration.

Facebook Comments