Tokhang style campaign ng pamahalaan laban sa mga komunista, isang human rights disaster ayon sa HRW!

Kinondena ng Human Rights Watch (HRW) ang “Tokhang” style campaign ng pamahalaan laban sa insurgency sa ilang lugar sa bansa.

Ayon kay HRW Senior Researcher Carlos Conde, ang naturang kampanya ay maituturing na isang “human rights disaster”.

Giit ni Conde, target ng kampanya ang mga personalidad sa gobyerno na inaakusahang nakikipagsabwatan o front ng armed communist insurgents.


May mga pulis at lokal na opisyal aniya na pinupuntahan ang mga bahay at opisina ng mga aktibista upang kausapin ang mga ito na ihinto ang pagsuporta sa mga komunista.

Sinabi ni Conde na nangyayari ito sa mga lugar tulad ng Cordillera Region at sa probinsya ng Laguna.

Facebook Comments