Tokyo Olympics 2021, tuloy na tuloy!

Tuloy ang Tokyo Olympics ngayong taon!

Ito ang ginawang paglilinaw ng Japanese Government matapos ang kumakalat na ulat na muling kakanselahin ang Tokyo Olympics at ililipat sa taong 2023.

Ayon sa inilabas na statement, sinabing walang nagbago sa plano at matutuloy ang pinakamalaking sporting event sa Hulyo ngayong taon sa kabila nang nararanasang pandemya.


Sinabi din ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, tiwala sila na matutuloy ngayong taon ang naturang paligsahan na una nang nakansela noong nakaraaang taon dahil sa matinding banta ng COVID-19.

Idineklara pa ni Suga sa kanilang parliyamento na ang pagdaraos ng Tokyo Olympics ay magiging simbolo na kaya nilang lampasan ang krisis na dala ng COVID-19 at ipakikita sa buong mundo ang kanilang pagbangon mula sa tumamang matinding lindol at tsunami noong taong 2011.

Inamin ng Japan na puspusan silang nakikipagtulungan ngayon sa maraming ahensiya at sa International Olympic Committee upang maging “safe and secure” ang mga atleta sa kanilang paglahok sa mga laro.

Facebook Comments