Manila, Philippines – Bagama’t inatras na ni dating Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino ang kanyang election protest laban kay Senadora Leila De Lima, nanindigan pa rin ito na may nangyaring dayaan noong 2016 senatorial race.
Si Tolentino ay una nang naghain ng motion to withdraw sa Senate Electoral Tribunal.
Sinabi ni Tolentino na “boluntaryo” niyang binawi ang kanyang protesta laban kay De Lima para pagtutuunan na lang ng pansin ang kanyang kandidatura sa pagka senador sa Mayo.
Nilinaw naman ni Tolentino na ang kanyang withdrawal ay hindi nangangahulugan ng pagsuko para patunayan na nagkaroon ng dayaan noong 2016 elections.
Facebook Comments