Tomboy, Nagpakamatay dahil sa girlfriend!

1769

*Echague, Isabela- *Patay ang isang tomboy matapos magbigti ganap na alas 8:30 kaninang umaga sa Brgy. Taggapan, Echague, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Marie Joy Mangadap, 22 anyos, residente ng P-7 Barangay Taggapan, Echague, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakatanggap ng tawag ang himpilan ng PNP Echague mula sa isang concerned citizen kaugnay sa pagpapakamatay ng nasabing biktima.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad base na rin sa ulat ng tatay ng biktima na bago mangyari ang insidente ay nagkaroon umano ng di pagkakaunawaan ang anak sa girlfriend nito.

Natagpuan na lamang umano ng tatay ang anak na nakabitin sa harap ng kanilang bahay gamit ang isang nylon na tali na agad namang humingi ng tulong sa mga kapit bahay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing pangyayari.

Facebook Comments

From Advertisers