Unang ipaprayoridad ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang Tondo sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Ang nasabing distrito kasi ang may pinakamataas na kaso ng COVID sa lungsod.
Nakatakda ring makipagpulong sina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna sa mga opisyal ng simbahang katoliko sa Maynila para plantsahin ang pagpapagamit sa mga simbahan bilang venue ng pagbabakuna.
Target naman ng Manila City Government na mabakunahan ang 18,000 na indibidwal kada araw, katumbas ng 540,000 katao kada buwan
Sa ngayon, 78,000 na indibidwal na ang nagpalista para sa vaccination program sa Maynila.
Facebook Comments