Idinaan sa social media ng isang manggagawa ang pagkadismaya sa pamamaraan ng pagpapasahod ng dating amo sa mga empleyado nito.
Batay sa Facebook post ni Sharon Tinio Ruivivar, tone-toneladang barya ang ibinayad sa kanila ng kompanyang pinapasukan noon.
Pumapalo sa 6,337 kada cut-off ang sinasahod ni Ruviviar.
Hinaing ng trabahador, sa halip na magamit agad ang perang pinaghirapan, kinailangan pang bilangin ito para masigurong hindi kulang ang salaping ibinigay.
Umabot sa mahigit isang oras ang pagbibilang nila sa limpak-limpak na piso at bente singkong barya.
Sa kabila nito, pinasalamatan pa din ni Ruviviar ang may-ari ng establisyimento sapagkat minimum wage naman ang kanilang naiuwi.
Dumepensa naman ang negosyante kaugnay sa ginawang pagpapa-suweldo.
Nakasaad sa memorandum ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi maaring lumagpas sa 100 pesos ang ibabayad na piso at bente singkong barya.
Puwede din sampahan ng kaso ang sinumang nagtatago ng barya at maaring patawan ng parusang pagkakakulong hanggang walong taon.