Tone-toneladang basura, bumungad pagkatapos ang pagdiriwang ng traslacion sa Naga

Naga City – Bumungad ang tone-toneladang truck ng basura matapos ang pagdiriwang ng traslacion procession kahapon sa lungsod ng Naga.

Ayon sa Solid Waste Management Office (SWMO) ng Naga, mas marami ang basura na naipon ngayon kumpara noong nakaraang taon na aabot sa 100 hanggang 150-tonelada.

Nasa 150 street sweepers ang ikinalat a sa mga pangunahing kalsada na dinaanan ng prusisyon para mas mapabilis ang paglilinis sa buong lungsod.


Inaasahan namang mas dodoble pa ang dami ng mga basura sa mga susunod pang malalaking aktibidad sa lungsod gaya ng civic and military parade at fluvial procession.

Facebook Comments