Misamis Oriental – Sa Enero a-nuebe, nakatakdang ibalik sa South Korea ang mga basurang itinambak ng verde soko Philippines Industrial Corp. sa Misamis Oriental.
Ayon kay Mindanao International Container Terminal Collector John Simon, nasa P11-milyong ang magagastos ng South Korean government para maalis ang libu-libong tonelada ng basura na nakaabot na sa bayan ng tagoloan.
Kaugnay nito, naghanap na rin sila ng shipping lines na magkakarga sa 51 container vans ng mga basura.
Magugunitang ipinatawag rin ng South Korean officials, kasama ang ibang ahensiya ng gobyerno, ang ilang opisyal ng verde soko kung saan hiningian ng counterpart para mapabilis ang pagpapabalik ng mga basura sa South Korea.
Facebook Comments