Tony Labrusca, nag-sorry na sa paninigaw sa isang immigration officer

6422

Manila, Philippines – Nag-sorry na si Tony Labrusca sa immigration officer na umano ay kaniyang namura at nasigawan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa kaniyang Twitter, ipinaliwanag ng 23-anyos na actor na nadala lamang siya ng kaniyang emosyon.


Matapos raw ang pagpila niya ay agad itong pinatawag sa opisina ng immigration officer.

Hindi raw niya alam ang ipinapatupad na batas na hanggang 30 araw lamang itong pwedeng manatili sa Pilipinas dahil hindi niya kasama ang kaniyang ina.

Ipinanganak kasi sa Canada ang actor kaya mabibigyan lamang ito ng Balikbayan stamp kung kasama ang ina na magbabakasyon.

Kasabay nito, nilinaw ng aktor na hindi ito nagsalita ng masama sa immigration officer.

Facebook Comments

From Advertisers