Tony Labrusca, nais ipa-deport ng DFA

Manila, Philippines – Nais ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ipa-deport ang Filipino-American actor na si Tony Labrusca matapos ang iskandalong ginawa nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Si Labrusca, isang U.S. passport holder ay umani ng iba’t-ibang reaksyon sa social media matapos sigawan ang isang immigration officer matapos malamang pinapayagan lamang siyang manatili sa bansa sa loob ng 30 araw.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ng kalihim ay ‘just deport him’.


Humingi na ng paumanhin ang aktor sa insidente at iginiit na nagalit lamang siya dahil hindi niya batid na may umiiral na polisiya kung saan kailangan niyang kasama ang kanyang mga magulang para makwalipikang mabigyan ng balikbayan stamp.

Ang deportation proceeding ay hawak ng Bureau of Immigration (BI), na attached agency ng Department of Justice (DOJ).

Una nang nagbabala ang BI sa aktor hinggil sa limitasyon ng mga pribilehiyong ibinibigay sa mga returning Filipino.

Facebook Comments