Daan-daang replika ng Itim na Nazareno, ipaparada ngayong araw

Manila, Philippines – Daan-daang replika ng Itim na Nazareno ang ipaparada ngayong araw sa mga kalsada ng Quiapo, Manila.

Ito ay bahagi ng gaganaping Traslacion sa Miyerkules, January 9.

Ang parada ng mga replika ng Poong Nazareno ay inaasahang magsisimula mamayang 1:30 ng hapon na dadaluhan ng maraming deboto mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.


Si Monsignor Hernando Coronel, rector ng Quiapo church ang mangunguna sa magbibigay basbas sa mga replika pagkatapos ng prusisyon.

Umaasa naman si father Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo church – na mapagtibay at mapalalim ng mga deboto ang kanilang pananampalatay sa Poong Nazareno.

Bukas, January 8 ay magtitipon ang mga deboto sa Quirino Grandstand sa Luneta kung saan dadalhin ang Itim na Nazareno para sa overnight vigil at sa taunang ‘pahalik’.

Facebook Comments