Tony Mabesa, hindi matanggap ang nangyari kay Eddie Garcia

256

Hindi pa rin matanggap ng aktor na si Tony Mabesa ang nangyaring aksidente sa kanyang co-actor na si Eddie Garcia.

Ayon kay Mabesa, magkahalong galit at labis na kalungkutan ang kanyang naramdaman matapos niyang malaman ang nangyari kay Eddie.


Dagdag pa ng beteranong aktor, dahil action scene ang ginagawa ni Eddie, dapat ay cleared o maayos ang buong set.

Matatandaang nagkasama sina Tony At Eddie sa pelikulang “Rainbow’s Sunset” na kanilang pinagbidahan sa entry ng 2018 Metro Manila Film Festival noong December.

Facebook Comments

From Advertisers