Top 1 at 2 Most Wanted Person sa Cagayan, Naaresto

38

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 1 at 2 Most Wanted person sa Lalawigan ng Cagayan matapos maaresto sa magkahiwalay na operasyon sa naturang probinsya.

Unang nahuli ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest ang Top 1 most wanted person na kinilalang si Alex Inong, 43 taong gulang, magsasaka at residente ng barangay Bangan, Sanchez Mira, Cagayan.


Si Inong ay nahaharap sa kasong murder o pagpatay at paglabag sa RA 8294.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang kasong pagpatay habang Php1,000.00 para sa kasong RA 8294.

Samantala, natimbog rin ang Top 2 Most Wanted ng Cagayan na kinilalang si Alhen Javier, 27 taong gulang, binata, technician at residente ng Brgy. Dibay, Calayan sa naturang Lalawigan.

Sa bisa rin ng warrant of arrest na isinilbi ng PNP Calayan sa Barangay Pengue-Ruyu, Tuguegarao City ay matagumpay na nahuli ang akusado na may kasong tangkang panggagahasa na may kaukulang piyansa na Php120,000.00.



Si Javier ay nahaharap din sa kasong dalawang (2) beses na panggagahasa na kung saan ay walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Parehong dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa kanilang court of origin.

Facebook Comments