Higit 42,000 Filipino Migrant Worker, nakauwi na sa bansa ayon sa DFA

32

Umabot na sa 42,583 Filipino Migrant Worker na napauwi sa Pilipinas hanggang ngayong Agosto dahil sa epekto ng COVID-19.

Base sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), 4,109 dito ang nanggaling sa America, 1,571 mula sa Europe at 91 ang nagmula sa Africa.

Kasabay nito, umabot naman sa 164,368 Overseas Filipino Workers (OFW) ang napauwi sa Pilipinas hanggang nitong sabado (September 5) kung saan kasama ang pangalawang batch ng mga repatriates mula sa Lebanon na dumating nitong Huwebes (September 3).

Facebook Comments