Top 1 Most Wanted sa City Level ng Cauayan, Timbog!

Cauayan City, Isabela – Matagumpay na naaresto ng mga alagad ng batas ang isang magsasaka matapos na isinilbi ang mandamiento de aresto nito sa Burgos Street, Brgy. District 2, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusadong si Dennis Lariosa Terrinal, tatlumput pitong taong gulang, may asawa at residente ng Sto. Domingo, Quirino,Isabela.

Ang warrant of arrest ni Terrinal ay ipinalabas ni hukom Raul Babaran ng RTC 19 dahil sa kasong dalawampu’t isang beses na panggagahasa.


Walang nairekomendang piyansa para sa kaso ni Terrinal at nasa himpilan na ng PNP Cauayan City ang akusado para sa dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments