ITINALAGA | Bong Nebrija, itinalaga bilang EDSA traffic chief

Manila, Philippines – Itinalaga bilang bagong pinuno ng EDSA Traffic Management Unit ng Metro Manila Development Authority (MMDA) si Edison “Bong” Nebrija.

Si Nebrija ang kasalukuyang pinuno ng special operations unit ng MMDA na nakatutok sa pag-aalis ng mga road obstruction sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, papalitan ni Nebrija sina Memel Roxas at Jun Vialu.


Aniya, tututukan ni Nebrija ang pagsasa-ayos ng trapiko sa kahabaan ng EDSA lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Tiniyak naman ni Nebrija na una niyang aayusin ang tamang pagpapatupad ng mga loading at unloading zones para sa mga bus.

Kasama rin ang pag-aalis ng mga vendors sa mga footbridges at mga pedestrian.

Facebook Comments