TOP 1 Most Wanted Person na may Kasong Robbery at Carnapping sa San Agustin Isabela, Natimbog ng mga Pulis!

Nahulog sa mga kamay ng batas sa San Agustin, Isabela ang top most wanted person na si Glenn Mark Gajes Miguel 27 taong gulang, binata at residente ng brgy. Quimalabasa, San Agustin, Isabela.

Ang akusadong si Miguel ay may kasong pagnanakaw na nakatala sa kasong kriminal bilang 36-100035 at Carnapping na nakatala sa kasong kriminal bilang 36-100036.

Siya ay dinakip ng mga otoridad sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Anastacio Anghad ng RTC br 36 sa Santiago City at makakalaya lamang pansamanta kung makapag lagak ng piyansang tig Php100,000.00 sa kanyang dalawang kaso.


Ang akusado ay dinala sa PNP San Agustin para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin.

Facebook Comments