TOP 1 MOST WANTED PERSON, NADAKIP SA NUEVA, VIZCAYA

Natimbog ng kapulisan ng Nueva Vizcaya ang isang Top 1 most wanted person ng Camiling Tarlac sa Sitio Butao, Barangay Baracbac, Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Angelo Pagarigan, 38-taong gulang, karpintero, at residente ng Barangay Florida Camiling, Tarlac.

Naaresto si Pagarigan sa pamamagitan ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Dorothy Jimenez Alarcio-Padilla ng First Judicial Region, Branch 42, Dagupan City, Pangasinan.

Ayon sa ibinahaging ulat, ang suspek ay may kinakaharap na kasong murder o pagpatay sa Pangasinan at lumabas din sa follow up investigation ng PNP na isang gun for hire ang nasabing suspek sa kanilang lugar.

Samantala, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Pagarigan.

Kaugnay nito, nakapiit ngayon ang suspek sa Sta Fe Police Station at nakatakdang ipasakamay sa korte na may hurisdiksyon sa naturang kaso.

Facebook Comments