Top 1 Most Wanted Person sa Region 2, Arestado sa Cavite

47

Cauayan City, Isabela- Kalaboso ang Top 1 Most Wanted person sa buong Lambak ng Cagayan ng pinagsanib-pwersa ng kapulisan sa mismong pinagtatrabahuang gas station sa Rosario, Cavite.

Nakilala ang akusado na si Edwin Garduque Ramento, 36 taong gulang, walang asawa, pump attendant, tubong Lablabig, Claveria, Cagayan at naninirahan sa Brgy. Silangan Uno, Rosario, Cavite.


Dinakip si Ramento sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Murder with the Use of Illegally Possessed Firearm na inisyu ni hukom Seferino Andaya ng Regional Trial Court Branch 26, Apayao na may petsang November 15, 2012.

Matatandaan noong Agosto 1, 2012, binaril ni Ramento ang biktimang si Marciano Libed Yadao sa kahabaan ng Barangay Barocboc, Sta Marcela, Apayao na sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Natukoy ang suspek ng PNP Sta. Marcela nang mapansin na siya ang huling umalis sa pinangyarihan ng krimen sakay ng isang motorsiklo na may plakang 3842 BW.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Sta Marcela ang akusado at inaasikaso ang mga kinakailangang dokumento sa pagbiyahe nito patungong Claveria Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.



Facebook Comments