Top 1 Most Wanted Person sa San Mateo, Isabela, Natimbog!

153

*San Mateo, Isabela- *Arestado ang 17 anyos na binatilyo dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga sa Brgy.4, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest si Alyas Jun Jun, isang outh of school youth, residente ng Brgy.4, San Mateo, Isabela.

Si Jun-Jun ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at may kaukulang piyansa na nagkakahalaga ng P200,000.00.


Nasa kustodiya na ng San Mateo Police Station ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at nakatakdang iturn-over sa court of origin nito.

Facebook Comments