Top 1 Most Wanted sa San Agustin, Isabela, Timbog!

70

San Agustin, Isabela- Nahuli na ng mga otoridad ang isang magsasaka na may kasong Rape at Top 1 Most Wanted sa bayan ng San Agustin matapos isilbi ang Warrant Of Arrest nito pasado ala una ng tanghali sa Brgy. Dabubu Grande, San Agustin, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Roland Andres Gabriel, kwarentay syete anyos, isang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP San Agustin si Gabriel sa bisa ng mandamiento de arresto na ipinalabas ni hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Branch 24 Echague, Isabela dahil sa kasong 3 counts of Rape.

Nasa kustodiya na ng PNP San Agustin ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon.

Samantala walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Gabriel.

Facebook Comments