Magkaangkas sa motorsiklo naaksidente sa Maynila

74

Manila, Philippines – Nawalan pa ng malay ang isang lalaki matapos maaksidente sa sinasakyang motorsiklo sa Moriones Street sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ang backrider na si Reynante Amador na may pinsala sa ulo.


Ayon sa Manila Traffic Bureau, nag-overtake ang motorsiklo sa isang kotse pero nabitin at nawalan ito ng kontrol dahil umiwas sa kasalubong na sasakyan.

Bulagta ang dalawang biktima na nakasakay sa motorsiklo na kapwa walang suot na helmet.

Nawalan ng malay ang backrider habang tumakas ang driver ng motor.

Dinala sa Jose Reyes ang sugatang biktima.




Facebook Comments