Top 10 most wanted person sa Muntinlupa, naaresto ng mga pulis

28

Nahuli sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police Station ang isang lalaking kabilang sa top 10 most wanted person sa lungsod.

Kinilala ang naarestong suspek na si Reynaldo Dumlao, 42-anyos, residente ng Cupang, Muntinlupa City.


Sa ulat ng Southern Police District (SPD), bitbit ang warrant of arrest ay tumungo ang mga pulis sa mismong tinitirhan ng suspek at isinilbi ang warrant of arrest.

Siya ay may kasong kriminal o ang paglabag sa Revised Penal Code Article 299 o pagnanakaw ng ari-arian na may piyansang P72,000.00.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek.

Facebook Comments