Tindero, Huli sa Pagbebenta ng Ilegal na Droga

21

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang tindero sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga kasapi ng Santiago City Police Office at iba pang yunit ng mga otoridad pasado 2:30 ngayong hapon sa Barangay Victory Norte, Santiago City.
Kinilala ang suspek na si Jayson Soriano, 41-anyos, binata at residente sa nasabing lugar.
Base sa report ng Presinto Uno, isang impormante ang nagbigay impormasyon sa mga otoridad na talamak umano ang ginagawang bentahan ng iligal na droga ng suspek sa lungsod.
Dahil dito, nagkasa ng operasyon ang pulisya laban sa suspek na dahilan ng kanyang pagkadakip.
Positibo umanong nabentahan ni Soriano ang isang operatiba ng isang (1) pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu kapalit ang P500.
Nabatid na taong 2016 ng maaresto rin ang suspek sa kaparehong kaso.
Mahaharap si Soriano sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

📸SCPO


Facebook Comments