CAUAYAN CITY – Arestado ang isang Top 10 Regional Most Wanted Person dahil sa pinagsanib na pwersa ng Nagtipunan PNP, RUI2, 2nd Quirino PMFC at Quirino PIU.
Ang suspek ay kinilalang si alyas “Miner”, 32-anyos, minero sa Baguio City at residente sa nabanggit na bayan.
Ang pagkakahuli sa suspek ay dahil sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Winston Mendoza, presiding judge sa RTC Br. 38, Maddela, Quirino dahil sa kasong Qualified Rape na may piyansang aabot sa mahigit P100-K at violation of RA 7610 o Lascivious Conduct na walang inirekomendang piyansa.
Dinala si alyas “Miner” sa himpilan ng Nagtipunan PS para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa korte.
Facebook Comments