Cauayan City, Isabela- Nahuli na ng mga otoridad ang itinuturing na Top 2 Most Wanted Person Municipal level pasado alas 9:00 kaninang umaga sa Brgy Zone 2, San Mariano, Isabela.
Kinilala ang akusado na si Charles Castañeda Jr, 40 anyos, may-asawa, construction worker at residente rin ng nasabing lugar.
Si Castañeda Jr. ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Isaac De Alban ng 2nd RTC Branch 16, City of Ilagan, Isabela dahil sa kinakaharap na kasong Homicide.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa tamang disposisyon at pansamantala itong makakalaya kung makakapag piyansa ng halagang Php120,000.00.
Facebook Comments