Top 2 most wanted person ng Las Piñas City Police, naaresto na

Nadakip na ng Las Piñas City Police Station ang isang lalaki na itinuturing nila na Top 2 most wanted person.

Nakilala ang naaresto na si Randy Cabrito, 37-anyos na residente ng Barangay CAA.

Si Cabrito ay nasakote sa ikinasang manhunt operstion sa Gapan Road Palayan City, Nueva Ecija kung saan ito nagtatago ng halos sampung buwan.


Kusa naman ng sumama si Cabrito saka dinala sa custodial facility sa Las Piñas City Police Station.

Nabatid na nahaharap ang suspek sa kasong three counts of rape base sa ibinabang hatol ng Regional Trial Court branch 199 at walang inirekomendang piyansa.

Facebook Comments