TOP 2 MOST WANTED PERSON SA DAGUPAN CITY, TIMBOG

Nasakote ng pulisya ang Top 2 Most Wanted Person sa lungsod ng Dagupan. Nakilala ang suspek na si alyas “Paul,” residente ng Brgy. Pugaro sa lungsod.
Isinilbi ang warrant of arrest sa suspek sa Brgy. Poblacion Oeste, kung saan magdadalawang linggo na rin itong pinaghahanap dahil sa mabibigat na kasong kinakaharap nito.
Limang counts ng statutory rape na walang inirekomendang piyansa at acts of lasciviousness na may kaukulang piyansang P180,000 ang kakaharapin nitong kaso.
Sunod-sunod ang pagkakahuli ng mga pulisya sa mga natukoy na most wanted persons sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments