Top 2 Most Wanted sa Alicia, Isabela, Nadakip sa Pangasinan!

199

Natimbog na ng mga otoridad ang Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Alicia, Isabela matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest sa Brgy Salapingao, Binmaley, Pangasinan.

Nakilala ang akusado na si Alexander Simon, 38 anyos, laborer at residente ng Brgy. Salvacion, Alicia, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, ganap na alas nuebe ng umaga kahapon nang isilbi ang mandamiento de aresto kay Simon sa pangunguna ni SPO2 Robert Corpuz ng PNP Alicia at SPO2 Froilan Perez ng Binmaley Police Station na ipinalabas ni hukom Reymundo Aumentado ng RTC Branch 20, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Murder.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Simon.

Nasa kustodiya na ng PNP Alicia ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments