SUSPENSION kay Cong. LRay Villafuerte… TOTOO YAN! Semi-TULALA ang mga BARKERS na Pilit Nagsabing FAKE NEWS, FAKE NEWS!!!

Semi-TULALA ngayon ang mga barkers ni Cong. Luis Raymund Villafuerte dahil nakabandera na sa mga national news dailies ang tungkol sa 90-Day Suspension Order ng Sandiganbayan kay Cong. Luis Raymund Villafuerte bilang representative ng Camarines Sur 2nd District.
Unang lumabas ang balitang ito sa RMN Naga – DWNX nitong nakaraang linggo pa kung saan pilit na sinasabi ng mga barkers na umano’y fake news ang nasabing suspension order.
Matapos lumabas sa RMN Naga- DWNX, wala ng ibang himpilan ng radyo o television ang nagbalita tungkol dito.
Ngayon, tila tulala ang mga nagsasabing fake news ang nasabing balita makaraang nakabandera na sa pages ng mga malalaking news websites ang katotohanan ng isyung ito.
Ang suspension ay may kaugnayan sa kasong graft kung saan pumasok umano sa isang security anomalous contract si Villafuerte noong siya pa ang governor ng Camarines Sur.

Facebook Comments