TOP 2 MOST WANTED SA BURGOS, PANGASINAN, NASAKOTE SA ZAMBALES

Arestado ang itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa Burgos, Pangasinan matapos matunton sa isinagawang operasyon sa Brgy. Buenavista, Castillejos, Zambales.

Ang akusado ay arestado sa kabila ng paglipat sa ibang probinsya, dahil sa warrant para sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 na may inirekomendang piyansang ₱72,000.

Sa tulong ng Castillejos MPS at Provincial Intelligence Unit ng Zambales Police Provincial Office, naging maayos at matagumpay ang operasyon.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng kapulisan sa Burgos ang akusado para sa wastong dokumentasyon at kaukulang legal na disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments