Top 2 Most Wanted sa Jones, Isabela, Timbog Na!

10

Jones, Isabela- Nahaharap sa Kasong Panggagahasa ang isang magsasaka na Top Most Wanted sa Kasong Rape at Top 2 naman sa listahan ng bayan ng Jones matapos madakip bandang alas diyes ngayong umaga sa Brgy. Dumawing, Jones, Isabela.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rex Pascua, hepe ng PNP Jones kinilala ang nadakip na si Richard Casil, bente nuwebe anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng naturang barangay.

Si Casil na apat na taong nagtatago sa batas ay dinakip ng PNP Jones sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24 Echague, Isabela matapos masampahan ng kasong Panggagahasa.

Dinala na sa Jones Police Station si Casil para sa kanyang karagdagang dokumentasyon at disposiyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang dalawang daang libong piso.

Samantala, si Casil ay kabilang sa bagong Top 10 na Wanted sa listahan ng PNP Jones, Isabela.

Facebook Comments