Lalaking Inawat sa Pang-aaway, Nasamsaman ng Iligal na Droga!

145

Roxas, Isabela- Dinakip ng kapulisan ang isang lalaki matapos masamsaman ng isang sachet ng hinihinalang shabu bandang alas dose y medya ng hapon ngayong araw sa Brgy. San Placido, Roxas, Isabela.

Sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang nadakip na si Armenio Miguel, 46 anyos, isang vendor at residente ng naturang barangay.

Batay sa pagsisiyasat ng PNP Roxas, ipinarating ni Barangay Kagawad Freddie Ballad sa kanilang himpilan na nakikipag-away na umano ang suspek sa kanyang kasama hinggil sa pagkanakaw ng isang kalabaw na agad namang tinungo ng mga kapulisan.

Sa isinagawang pagresponde ng PNP Roxas ay nakumpirma na si Miguel ay nakikipag alitan sa kanyang mga kasama dahilan upang arestuhin ng mga rumespondeng pulis at dito nasamsamam si Miguel ng isang sachet ng hinihinalang shabu na nakalagay sa kanyang bulsa.

Dinala na sa PNP Roxas ang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at kaukulang kaso.

Facebook Comments